Maikling Kwento


photo credit: pinterest

Ang Batang Matulungin at Masunurin

Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Pagagalitan siya ng ina pag nahuli siya sa pag-uwi.

Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang tingin palang niya, kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ang mga ito sa tabi niya upang umabang din ng sasakyan maya-maya may sasakyan na huminto sa harapan ni Paul.

Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata. Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil sa pagagalitan siya ng ina kapag nahuli siya sa pag-uwi subalit naawa siya sa bata.

Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad, kaya pina-ubaya nalang niya ang sasakyan sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si Paul sa susunod na sasakyan na masaya dahil nakatulong siya sa kapwa kahit sa munting paraan lang. 

No comments:

Post a Comment