Thursday, November 21, 2019

Basic Filipino or Tagalog Words



Basic Filipino or Tagalog Words

Here are a few of basic Filipino -Tagalog Words you might want to know translated in English.

SALAMAT - THANK YOU

Kamusta?- How are you?

 Oo - Yes.
 Hindi - No. Not.

 Ako - I. Me.

 Ikaw - You.

 Sarap! - Delicious!

 Paumanhin - Sorry, excuse me.

 Paalam - Farewell.

Or informally say

“Ba-bay” - Goodbye.

 po (marker of respect in phrases and sentences)
When speaking in Tagalog to someone older than you, add po to words, phrases and sentences.

 Salamat po. - THANK YOU

 Kamusta po? - HOW ARE YOU?

 Hindi po. - NO, NOT

 Ako po. - I, ME



An exception would be  Opo, which is the polite form of Oo.







ANG LOLA - TULA


photo credit: http://philippinereporter.com/ by Fabian Espiritu Jr.

ANG LOLA
Ni Rolando Tinio

Nakapuwesto sa paboritong lugar,
parang nakakuwadro sa bentanilya ng kumidor, inis
sa inaaninaw ang di makilalang alas sais—
areglado nang umandar.
Hinaharap ang lahat na dapat magsipanik na ng bahay:
mga lasenggo’t sugarol, imbi’t tampalasan, mga tarantado
silang wala nang inatupag kundi maglandian sa lansangan.

Pati na yata ang araw na di pa kursunadang pagbigyan
ang nagririnyegong karimlan.
Walang awat silang kinakatkatan ng Lola
gayung-kasi’y may pagkauliyanin na —
hindi na matandaan kung sinu-sino sila.
Hindi na matandaan ang puno’t dulo ng paghihimagsik
na parang atakeng nandiyan na lang tuwing alas sais.
Orasyon — biro namin — panatang walang hanggan
nang di raw mapariwara ang kaluluwa ng lansangan.

At ayaw gambalain ang mga litanya,
tahimik ang Ate sa pamamalantsa.
Nagdidilim ang mukha. Maaga pa naman daw,
ayaw pang gaasan ang ilaw.

At ang Nanay, napisikan yata ng mantika,
marahang tinatangisan ang pinipritong hasa-hasa.
At si Bulilit, pagkahatid ng tatal sa kusina,
nakangising naupo sa sala,
minataan ang abuwela.
Siguro’y alas sais medya na.

Kahit tapos na ang mga seremonya,
nakadambana pa rin ang da-matan sa bentanilya.
Nahapo rin pala:
napikit ang mga mata, nalaglag ang panga,
ika nga’y bumunot sa dibdib ng buntong hininga —
parang humanda namang atupagin
ang di masansalang pagdidilim.

TULA PARA SA BAYAN - TAGALOG





Isang Tula sa Bayan
ni Marcelo H. Del Pilar

Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
pawang nalilimbag ang lalong dakila;
narito rin naman ang masamang gawa
na ikaaamis ng puso’t gunita.

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
halaman at bundok, yaman at bukirin;
na pawang naghandog ng galak sa akin,
ay inaruga mo, bayang ginigiliw.

Ipinaglihim mo nang ako’y bata pa,
ang pagdaralitang iyong binabata;
luha’y ikinubli nang di mabalisa,
ang inaandukha mong musmos kong ligaya.

Ngayong lumaki nang loobin ng langit,
maanyong bahagya yaring pag-ibig
magagandang nasa’y tinipon sa dibdib
pagtulong sa iyo, bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap
ang pagkafusta mo’t naamis na palad;
sa kaalipinan mo’y wala nang mahabag,
gayong kay raming pinagpalang anak!

Sa agos ng iyong dugo ipinawis,
marami ang dukhang agad nagsikinis,
samantalang ikaw, Bayang iniibig,
Ay hapung-hapo na’t putos ng gulanit.

Santong matuwid mo ay iginagalang
ng Diyos na lalong makapangyarihan
na siya na dapat na magbigay-dangal,
bagkus ay siya pang kinukutyang tunay.

Ngunit mabuti rin at mapupurihan,
Sa paghahari mo itong pamamayan,
Sapagkat nakuhang naipaaninaw,
Na dito na ang puno’y di na kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala
Ng nangagpupuno sa ami’y sukat na;
Ang hulog ng langit na bagyo’t kolera,
Lindol, beriberi’t madla pang balisa.