Mga Salawikain na may Kahulugan at Larawan
-Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
-Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng
magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.
-Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay
kumakapit.
-Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang
gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang
siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay
nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang
lalu pa siyang mangailangan ng pera.
-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang
isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong
magtipid at maging payak sa pamumuhay.
-Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan
kung hindi nakalaan para sa iyo.
-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.
-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos,
kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing
biyaya.
-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.
-Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong
traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng
bawat isa.
-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa
iyong biyenan.
-Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak
magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang
mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng
sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.
-Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.
-Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga
magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng
anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga
magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o
masamang) mga magulang.
-Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.
-Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang
ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay
tutulungan ka rin.